Ebolusyon op da Pinoy Langweyds
Una
Noong 1940's, kapag may bra ang babae, pinagbubulungan na at mababansagang malandi. Noon din ay may French perfume na ang tatak ay Eclat (silent T). Kaya ang taong maarte ay tinawag ng mga Pinoy na Eclat (T pronounced). Ngayon kapag maraming tsetseburetse at kaartehan ganon din ang tawag, "Ang dami mo namang eklat." Kinalaunan, pinaikli pa ang eklat at naging ek-ek- "Ang tagal mo namang magdesisyon kung sasama ka o hindi! Ang dami mong ek-ek!"
Pangalawa
Ang tawag sa babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw noon ay baylerina. Kinalaunan, naging belyas, tapos naging English, hospitality girls tapos ngayon GRO na.
Pangatlo
Elementary ako nang makagisnan ko ang batiang "Give Me Five". Masyado yatang pormal ang handshake kaya "Give me Five, Man" ang pumalit. Tuwang-tuwa ang mga magulang kapag natutunan ng kanilang anak na paslit ang mag-give me five. Tapos sa American sports, naging High Five o "Give me five, up here!" Hindi pahuhuli ang Pinoy basta
galing sa America. Ang "Give me five, up here" ay naging "Appear". Halos lahat yata ng Pinoy babies ganito ang series of training, "Anak, where is the light; where is the moon?" Ang nadagdag, "Appear! Appear!" At dahil sa E.T. ni Spielberg, "Align, Align!" Ayun, tuwang-tuwa ang mga magulang.
Pang-apat
Kakambal na yata ng Pinoy ang pagkanta. Noon, kapag nagkakantahan, gamit ay gitara at song hits (Jingle). Napalitan ito nang 70's-80's ng minus one. Tapos, karaoke. Ngayon, videoke, at sa huling talaan, 8 na ang namamatay sa "My Way". Ang tawag sa grupo ng musicians noon ay Combo. Ngayon, ang tawag sa singing group ay -- Band, hindi na Combo at ang Combo ngayon ay tumutukoy sa Jollibee o McDonald's promo.
1 Comments:
cute naman nito, more! more!
Post a Comment
<< Home